Saturday, July 13, 2019

BAGUIO CITY PUBLIC MARKET PHILIPPINES

Ang lungsod ng Baguio ay sa mga dinarayo ng mga turista lalo na tuwing bakasyon. Dahil na rin sa malamig na klima at sa strawberry  🍓 na dito lang matatagpuan.




Isa mga dapat puntahan ay ang pamilihang bayan ng Baguio City.  Tignan ang video sa ibaba.

Kitang kita ang napakaraming strawberry  sa bungad pa lang.

Nahati ang pamilihang bayan sa ibat ibat dibisyon tulad . May kanya kanyang lugar ang bawat bilihin depende sa pangangailangan.  Tulad na lang ng mga isda at iba pang halamang dagat.  Iba rin sa karne,  sa panhimagas o dessert.

Mayroon ding timbangan ng bayan sa lugar upang makasigurado ang mga mamimili na tama ang timbang ng kanilang binili at hindi niloko.

Mayroon ding ibat ibang klase ng longganisa tulad nito






Saturday, May 11, 2019

BEANSTALK CAFE SESSION ROAD BAGUIO CITU

Isa sa mga dinarayo ng maraming turista tuwing may pagdiriwang ang lungsod ng Baguio ay ang session road.  Ito ang tinaguriang "the heart of baguio" at sinasabing ang sentro ng lungsod.

Isa sa mga makikita dito ay ang tanyag o popular  na kapehan, ang Beanstalk cafe na nasa lower session road  second  floor ng city center hotel.

Sulit na sulit ang bawat pagkain dito dahil mura at marami ang serving tulad na lang ng aking inorder..  Ang cream puff chocolate at ang lasagna. 


Mahusay din ang pagkakagawa ng lugar kayat talagang naeenganyo ang mga kabataan dito.  Malakas din ang kanilang internet connection.

Kung kaya ay bisitahib ang lugar na ito. At pinapangako kong sulit ang bayad niyo

Maraming salamat!!

Friday, April 19, 2019

CALLE CRISOLOGO VIGAN CITY ILOCOS SUR

Napabilang ang Vigan City sa Ilocos sur sa 7 Wonders of the World dahil sa angking kagandahan at tanawin ng lugar.

   Isa na dito ang makasaysayang kalye Crisologo na nagpapakita ng mga bahay bahay at tirahan ng mga espanyol noong sinakop ang lungsod ng Ilocos. 

Ang calle crisologo ang lugar bg bentahan at palitan ng mga produkto noo g panahon ng mga kastila.
Talagang mapapabalik kasaysayan ka kapag naparito ka sa lugar na ito dahil mula sa mga gusali hanggang sa mga karwahe ay talaga namang kastilang kastila.

Tuwing gabi ay talagang dinudumog ng mga turista ang lugar  dahil sa angking ganda nito.

Thursday, April 18, 2019

Ang MALAHIGANTENG STRAWBERRY CAKE SA BENGUET

Ipinagdiwang ang ika anim na strawberry sa benguet noong buwan ng Marso at isa sa mga di malilimutang programa dito ay ang pag hati at pagmudmod ng bahagi ng mala higanteng strawberry  cake na gawa ng pinakapapolar na chef at may ari ng malaking pagawaan ng tinapay sa benguet ang Valley Bread na pag mamay ari ng mga Espadero.


Napabilang ang cake na ito sa Guineas Book of World Record sa unang taong ginanap ito.  Kaya talaga namang ipinagmamalaki ng bawat tao sa lugar ang kanilang malahiganteng strawberry cake.  Kilala ang lungsod ng benguet bilang ang Strawberry capital ng Pilipinas dahil sa kugar lang na ito makakakita ng napakarami at napakalawak ng strawberry  farm na talaga namang dinudumog ng mga turista.


Masarap at napakabango ng strawberry  cake na ito kaya huwag na huwag  palalampasin ang susunod na strawberry  festival sa 2020. Panoorin ang video sa ibaba.



Maraming  salamat.

ANG KAUNA UNAHANG IBALOY FESTIVAL SA BAGUIO

Ibaloy, ito ang tawag sa mga tao ng benguet  at isa  sa tribo ng mga igorot.  Ang Benguet ay binubuo ng labing tatlong munisipyo ang Atok,  Bakun,  Bokod, Bugias, Kapangan, Kibungan,  Sablan, La Trinidad, Mankayan,  Tuba, Ambiong at Itogon.  Lahat ng munisipyong ito ay nakilahok sa kauna unahang Ibaloy festival na ginaganap ngayon sa lungsod ng Baguio sa Ibaloy Heritage Garden malapit sa biking area ng Burnham Park. 


Maraming mga itinayong bentahan nga produkto ng bawat munisipyo at lahat ng mga ito ay sadyang kakaiba.

Mayroon ding ibat ibang pagpipiliang mga pagkain na swak na swak sa budget mo. 

Isa sa mga inaabangang programa ng ibaloy festival  ay ang Marikit ta Ivadoy o Ms.  Ibaloy Festival  ipinakitang gilas ng sampung kalahok ang kanilang angking galing sa pagrampa at talento.  Todo suporta naman ang bawat munisipyo sa kanila.  May nag magic,  sumayaw,  kumanta, nag spoken word poetry at umarte.  Nakamamangha ang ipinakitang talento ng  bawat kalahok. 

Malalaman ang resulta nito sa darating na Abril 21,2019 araw ng linggo. 


Panoorin ang bawat video  sa ibaba. 

Maraming salamat.

Wednesday, March 20, 2019

BONIFACIO GLOBAL CITY MANILA PHILIPPINES

Nasa Pilipinas pa ba ako?

Ito ang kadalasang tanong ng marami kapag nakakarating sila sa Bonifacio Global City.

Ano nga ba ang meron dito?

Ang lugar na ito ay tila isang paraiso na malayo sa kinagisnan. Ikaw ay tila nasa ibang bansa kapag nagtungo ka sa lugar na ito.  Napakalinis, maraming matataas na gusali, maraming nga dayuhan ang makikita sa bawat sulok ng lugar.



Ang matatayog na ma
Gusalu ay napakalinis tignan na tila ikaw ay nasa harap ng salamin.


 Malapit rin ang lugar na ito sa Amreican cemetery na kung tawagin ay Bonifacio American Cemetery. Dito nakahimlay ang mga alaala ng mga namatay noong ikalawang pandaigdigang Digmaan (World War 2)


Maraming mga pasyalang gusali sa lugar na kung saan sobrang mahal ang mga bilihin. Mukhang mga mayayaman lamang ang makakabili ng mga ito. 

Para sa karagdagang impormasyon, panoorin ang video na ito.

Maraming salamat



Tuesday, March 19, 2019

VENICE GRAND CANAL MALL TAGUIG CITY


Venice Grand Canal sa Taguig




Ito ay ang mini replicang popular na Grand Canal na matatagpuan sa Venice Italy.  Ang Venice Grand Canal sa Taguig sa bansang Pilipinas ay kilala sa tawag na Venice Piazza.  Isa itong mall na matatagpuan sa Mckinley Hill Garden Villas sa Taguig.









Maraming turista ang nagpupunta dito upang maramdaman ng kahit sa saglit ang venice grand canal na Grand ara ka na ring nasa Italy.

May mga rumurondang banka na kahawig mismo ng mga banka sa Italy. 
Maganda at kaaya aya ang lugar lalo na sa pagsapit ng gabi. 
Hindi sayang ang oras ang pera sa pagpunta dito dahil sulit na sulit ang bawat sentimong magagastos dito. 


Heto ang video ng lugar!


Maraming salamat!! 

Saturday, March 9, 2019

SKY RANCH BAGUIO CITY PHILIPPINES

Mula ngayon ma eenjoy na ng mga turista at mga taga Baguio ang ibat ibang klase ng sakayan na bukas sa lahat mapabata man o matanda.

Ito ay ang SKY RANCH na matatagpuan sa lungsod ng Baguio bansang Pilipinas.  Ito ay unang binuksan noong Nobyembre 8, 2018


Ang pinaka nakaka agaw pansin sa mga sakayang ito ay ang Baguio Eye  o mas kilala sa tawag na Ferris Wheel gaya ng  nasa unang karawan.

Mayroon silang iba't ibang klase ng sakayan na kayang kaya ng bulsa tignan ang larawan na ito.


Bukas ang lugar mula alas 10 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi.  Hindi lamang mga sakayan ang narito kundi mayroon ding mga pan larong libangan na ang papremyo ay mga stuff toys at deoende pa ito sa  hugis at laki tulad nito.


Siguradong mag eenjoy ang mga turistang pupunta sa lugar na ito . kaya't ano pa ang hinihintay niyo. Isama na ang Baguio Sky Ranch sa inyong bucket list.

Upang mas mas maenjoy ang lugar heto ang pasilip ko sa inyo.


Huwag kalilimutang i click ang subscesub button ng videong ito.

Maraming salamat


Wednesday, March 6, 2019

PANAGBENGA FESTIVAL GRAND FLOAT PARADE 2019

Panagbenga Festival , ito ang kaabang abang na pagdiriwang ng lungsod ng Baguio sa Pilipinas tuwing buwan ng Pebrero. Panagbenga the season of blooming. Maraming ibati ibang aktibidades dito.

Isa na dito ang hindi mapapantayang Grand Float Parade na inaabangan talaga taon taon. ito ay napakaespesyal dahil gawa ang ibat ibang float sa mga bulaklak na galing pa sa Atok, Benguet.  Narito ang ibang mga larawan ng Grand Float parade na ipinagdiwang noong ika 3 ng Marso,2019.

 Ang unang larawan ay ang siomai king na may mala paru parong gawa sa bulaklak
 Kasabayan din naman nito ang paglalakad ng mga nanalo sa street dance parade tulad ng ikalawang larawan.
Isa pa sa nagpapatingkad sa mga float ay ang mga dumarating na mga artistang umaangkas sa float tulad ng nasa ikatlong larawan.

Talagang makulay at kamangha mangha ang bawat float na talaga namang dinayo talaga ng mga turista ang lugar. 

Nawa'y nagustuhan niyo ang aking blog ukol sa kagaganap pa lamang na Panagbenga Festival Grand Float Parade!!

Maraming salamat at Mabuhay!!

Saturday, January 26, 2019

PANAGBENGA 2018 at 2019

Taon taon tuwing buwan nga Pebrero ipinagdiriwang ang buwan ng pamumuladkad ng mga bulaklak. Ito ay tinatawag na Panagbenga Festival.  Na galing sa wikang Kankana-ey na ang ibig sabihin ay "panahon ng panunulaklak".

Sa darating na buwan ng Pebrero abala ang mga mamamayan at opisyales ng Baguio sa paghahanda ng iba't ibang gawain. Ito ang aktibidad ng Panagbenga Festival 2019.


Sinasabing ang pinakakaabang abang sa buwan na ito ay ang Float parade na gawa sa ibat ibang klase ng mga bulaklak na hinulma upang maging isang napakagandng imahe.  Isa papsa nagpatingkad dito ay ang pagdating ng iba't ibang sikatsna artistang sumasakay sasbawat float. kasunod naman ang street dance parade ng na gawa rin sa bulaklak ang kasuotan. 

Noong nakarang taon gumawa ako ng video tungkol sa float parade. Heto at panoorin ang video 




Ito rin ang kabuuan ng pagdiriwang.




Nawa'y magdiwang tayo sa darating na Panagbenga Festival  2019. Abangan ang kapanapanabik na iba't ibang gawain nito.

Maraming salamat. 

Tuesday, December 25, 2018

SINNER OR SAINT CAFE, LA TRINIDAD BENGUET



Sa mga naghahanap ng kainang romantic ang dating,  heto na ang sinner or saint cafe. Pangalan pa lang ay agaw pansin na.   Ito lang naman ang kainang pwedeng pwede sa mga naghahanap ng kakaibang dating spot.  




 Bakit romantic?  Dahil napapalibutan ito ng makukulay na pailaw at kakaibang tawag sa mga pagkain.  Best seller ang kanilang mga panghinagas na matcha cake.  Bawat cake na oorderin ay naglalagay sila ng kasabihang agaw pansin talaga gamit ang chocolate syrup.  Pwedeng pwede ito sa mga magkakasintahan,  mag-asawa at pamilya.   Swak na swak ito sa budget mapa estudyante man o may trabaho. 


Ito ay matagpuan sa kilometer 3 la trinidad benguet sa mismong bungad ng la trinidad.   Bukas sila Lunes hanggang Linggo mula 9:00am hanggang 10:00am. 


Para mas maunawaan magsubscribe at panoorin link na ito para sa karagdagang detalye ng lugar.    




VENICE GRAND CANAL SA TAGUIG PHILIPPINES


Venice Grand Canal sa Taguig





Ito ay ang mini replicang popular na Grand Canal na matatagpuan sa Venice Italy.  Ang Venice Grand Canal sa Taguig sa bansang Pilipinas ay kilala sa tawag na Venice Piazza.  Isa itong mall na matatagpuan sa Mckinley Hill Garden Villas sa Taguig.









Maraming turista ang nagpupunta dito upang maramdaman ng kahit sa saglit ang venice grand canal na Grand ara ka na ring nasa Italy.

May mga rumurondang banka na kahawig mismo ng mga banka sa Italy. 
Maganda at kaaya aya ang lugar lalo na sa pagsapit ng gabi. 
Hindi sayang ang oras ang pera sa pagpunta dito dahil sulit na sulit ang bawat sentimong magagastos dito. 


Heto ang video ng lugar!


Maraming salamat!! 

Thursday, December 20, 2018

PAMASKO NG MALL OF ASIA (MOA)


Tuwing buwan ng pasko hinding hindi magpapahuli ang mga mall sa paglalagay ng dekorasyon.

Mula luzon hanggang mindanao basta't may mall ay mayroon silang pamaskong dekorasyon. 

Hindi magpapahuli dito ang pangalawang malaking mall sa bansa ang SM MAll of Asia or mas kilala sa akronym na MOA. 
Isang napakalaking snow globe ang nasa loob ng mall na pwedeng kumuha ng larawan ang lahat. Heto ang video



Sa lahat ng sulok ng mall may ibat ibang klase ng dekorasyong pang pasko na talaga namang mabubusog ang mga mata ng nakapapanood nito.

Maligayang Pasko!!