Thursday, April 18, 2019

ANG KAUNA UNAHANG IBALOY FESTIVAL SA BAGUIO

Ibaloy, ito ang tawag sa mga tao ng benguet  at isa  sa tribo ng mga igorot.  Ang Benguet ay binubuo ng labing tatlong munisipyo ang Atok,  Bakun,  Bokod, Bugias, Kapangan, Kibungan,  Sablan, La Trinidad, Mankayan,  Tuba, Ambiong at Itogon.  Lahat ng munisipyong ito ay nakilahok sa kauna unahang Ibaloy festival na ginaganap ngayon sa lungsod ng Baguio sa Ibaloy Heritage Garden malapit sa biking area ng Burnham Park. 


Maraming mga itinayong bentahan nga produkto ng bawat munisipyo at lahat ng mga ito ay sadyang kakaiba.

Mayroon ding ibat ibang pagpipiliang mga pagkain na swak na swak sa budget mo. 

Isa sa mga inaabangang programa ng ibaloy festival  ay ang Marikit ta Ivadoy o Ms.  Ibaloy Festival  ipinakitang gilas ng sampung kalahok ang kanilang angking galing sa pagrampa at talento.  Todo suporta naman ang bawat munisipyo sa kanila.  May nag magic,  sumayaw,  kumanta, nag spoken word poetry at umarte.  Nakamamangha ang ipinakitang talento ng  bawat kalahok. 

Malalaman ang resulta nito sa darating na Abril 21,2019 araw ng linggo. 


Panoorin ang bawat video  sa ibaba. 

Maraming salamat.

No comments:

Post a Comment