Wednesday, March 6, 2019

PANAGBENGA FESTIVAL GRAND FLOAT PARADE 2019

Panagbenga Festival , ito ang kaabang abang na pagdiriwang ng lungsod ng Baguio sa Pilipinas tuwing buwan ng Pebrero. Panagbenga the season of blooming. Maraming ibati ibang aktibidades dito.

Isa na dito ang hindi mapapantayang Grand Float Parade na inaabangan talaga taon taon. ito ay napakaespesyal dahil gawa ang ibat ibang float sa mga bulaklak na galing pa sa Atok, Benguet.  Narito ang ibang mga larawan ng Grand Float parade na ipinagdiwang noong ika 3 ng Marso,2019.

 Ang unang larawan ay ang siomai king na may mala paru parong gawa sa bulaklak
 Kasabayan din naman nito ang paglalakad ng mga nanalo sa street dance parade tulad ng ikalawang larawan.
Isa pa sa nagpapatingkad sa mga float ay ang mga dumarating na mga artistang umaangkas sa float tulad ng nasa ikatlong larawan.

Talagang makulay at kamangha mangha ang bawat float na talaga namang dinayo talaga ng mga turista ang lugar. 

Nawa'y nagustuhan niyo ang aking blog ukol sa kagaganap pa lamang na Panagbenga Festival Grand Float Parade!!

Maraming salamat at Mabuhay!!

No comments:

Post a Comment