Napabilang ang Vigan City sa Ilocos sur sa 7 Wonders of the World dahil sa angking kagandahan at tanawin ng lugar.
Isa na dito ang makasaysayang kalye Crisologo na nagpapakita ng mga bahay bahay at tirahan ng mga espanyol noong sinakop ang lungsod ng Ilocos.
Ang calle crisologo ang lugar bg bentahan at palitan ng mga produkto noo g panahon ng mga kastila.
Talagang mapapabalik kasaysayan ka kapag naparito ka sa lugar na ito dahil mula sa mga gusali hanggang sa mga karwahe ay talaga namang kastilang kastila.
Tuwing gabi ay talagang dinudumog ng mga turista ang lugar dahil sa angking ganda nito.
Ipinagdiwang ang ika anim na strawberry sa benguet noong buwan ng Marso at isa sa mga di malilimutang programa dito ay ang pag hati at pagmudmod ng bahagi ng mala higanteng strawberry cake na gawa ng pinakapapolar na chef at may ari ng malaking pagawaan ng tinapay sa benguet ang Valley Bread na pag mamay ari ng mga Espadero.
Napabilang ang cake na ito sa Guineas Book of World Record sa unang taong ginanap ito. Kaya talaga namang ipinagmamalaki ng bawat tao sa lugar ang kanilang malahiganteng strawberry cake. Kilala ang lungsod ng benguet bilang ang Strawberry capital ng Pilipinas dahil sa kugar lang na ito makakakita ng napakarami at napakalawak ng strawberry farm na talaga namang dinudumog ng mga turista.
Masarap at napakabango ng strawberry cake na ito kaya huwag na huwag palalampasin ang susunod na strawberry festival sa 2020. Panoorin ang video sa ibaba.
Ibaloy, ito ang tawag sa mga tao ng benguet at isa sa tribo ng mga igorot. Ang Benguet ay binubuo ng labing tatlong munisipyo ang Atok, Bakun, Bokod, Bugias, Kapangan, Kibungan, Sablan, La Trinidad, Mankayan, Tuba, Ambiong at Itogon. Lahat ng munisipyong ito ay nakilahok sa kauna unahang Ibaloy festival na ginaganap ngayon sa lungsod ng Baguio sa Ibaloy Heritage Garden malapit sa biking area ng Burnham Park.
Maraming mga itinayong bentahan nga produkto ng bawat munisipyo at lahat ng mga ito ay sadyang kakaiba.
Mayroon ding ibat ibang pagpipiliang mga pagkain na swak na swak sa budget mo.
Isa sa mga inaabangang programa ng ibaloy festival ay ang Marikit ta Ivadoy o Ms. Ibaloy Festival ipinakitang gilas ng sampung kalahok ang kanilang angking galing sa pagrampa at talento. Todo suporta naman ang bawat munisipyo sa kanila. May nag magic, sumayaw, kumanta, nag spoken word poetry at umarte. Nakamamangha ang ipinakitang talento ng bawat kalahok.
Malalaman ang resulta nito sa darating na Abril 21,2019 araw ng linggo.