Wednesday, March 20, 2019

BONIFACIO GLOBAL CITY MANILA PHILIPPINES

Nasa Pilipinas pa ba ako?

Ito ang kadalasang tanong ng marami kapag nakakarating sila sa Bonifacio Global City.

Ano nga ba ang meron dito?

Ang lugar na ito ay tila isang paraiso na malayo sa kinagisnan. Ikaw ay tila nasa ibang bansa kapag nagtungo ka sa lugar na ito.  Napakalinis, maraming matataas na gusali, maraming nga dayuhan ang makikita sa bawat sulok ng lugar.



Ang matatayog na ma
Gusalu ay napakalinis tignan na tila ikaw ay nasa harap ng salamin.


 Malapit rin ang lugar na ito sa Amreican cemetery na kung tawagin ay Bonifacio American Cemetery. Dito nakahimlay ang mga alaala ng mga namatay noong ikalawang pandaigdigang Digmaan (World War 2)


Maraming mga pasyalang gusali sa lugar na kung saan sobrang mahal ang mga bilihin. Mukhang mga mayayaman lamang ang makakabili ng mga ito. 

Para sa karagdagang impormasyon, panoorin ang video na ito.

Maraming salamat



Tuesday, March 19, 2019

VENICE GRAND CANAL MALL TAGUIG CITY


Venice Grand Canal sa Taguig




Ito ay ang mini replicang popular na Grand Canal na matatagpuan sa Venice Italy.  Ang Venice Grand Canal sa Taguig sa bansang Pilipinas ay kilala sa tawag na Venice Piazza.  Isa itong mall na matatagpuan sa Mckinley Hill Garden Villas sa Taguig.









Maraming turista ang nagpupunta dito upang maramdaman ng kahit sa saglit ang venice grand canal na Grand ara ka na ring nasa Italy.

May mga rumurondang banka na kahawig mismo ng mga banka sa Italy. 
Maganda at kaaya aya ang lugar lalo na sa pagsapit ng gabi. 
Hindi sayang ang oras ang pera sa pagpunta dito dahil sulit na sulit ang bawat sentimong magagastos dito. 


Heto ang video ng lugar!


Maraming salamat!! 

Saturday, March 9, 2019

SKY RANCH BAGUIO CITY PHILIPPINES

Mula ngayon ma eenjoy na ng mga turista at mga taga Baguio ang ibat ibang klase ng sakayan na bukas sa lahat mapabata man o matanda.

Ito ay ang SKY RANCH na matatagpuan sa lungsod ng Baguio bansang Pilipinas.  Ito ay unang binuksan noong Nobyembre 8, 2018


Ang pinaka nakaka agaw pansin sa mga sakayang ito ay ang Baguio Eye  o mas kilala sa tawag na Ferris Wheel gaya ng  nasa unang karawan.

Mayroon silang iba't ibang klase ng sakayan na kayang kaya ng bulsa tignan ang larawan na ito.


Bukas ang lugar mula alas 10 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi.  Hindi lamang mga sakayan ang narito kundi mayroon ding mga pan larong libangan na ang papremyo ay mga stuff toys at deoende pa ito sa  hugis at laki tulad nito.


Siguradong mag eenjoy ang mga turistang pupunta sa lugar na ito . kaya't ano pa ang hinihintay niyo. Isama na ang Baguio Sky Ranch sa inyong bucket list.

Upang mas mas maenjoy ang lugar heto ang pasilip ko sa inyo.


Huwag kalilimutang i click ang subscesub button ng videong ito.

Maraming salamat


Wednesday, March 6, 2019

PANAGBENGA FESTIVAL GRAND FLOAT PARADE 2019

Panagbenga Festival , ito ang kaabang abang na pagdiriwang ng lungsod ng Baguio sa Pilipinas tuwing buwan ng Pebrero. Panagbenga the season of blooming. Maraming ibati ibang aktibidades dito.

Isa na dito ang hindi mapapantayang Grand Float Parade na inaabangan talaga taon taon. ito ay napakaespesyal dahil gawa ang ibat ibang float sa mga bulaklak na galing pa sa Atok, Benguet.  Narito ang ibang mga larawan ng Grand Float parade na ipinagdiwang noong ika 3 ng Marso,2019.

 Ang unang larawan ay ang siomai king na may mala paru parong gawa sa bulaklak
 Kasabayan din naman nito ang paglalakad ng mga nanalo sa street dance parade tulad ng ikalawang larawan.
Isa pa sa nagpapatingkad sa mga float ay ang mga dumarating na mga artistang umaangkas sa float tulad ng nasa ikatlong larawan.

Talagang makulay at kamangha mangha ang bawat float na talaga namang dinayo talaga ng mga turista ang lugar. 

Nawa'y nagustuhan niyo ang aking blog ukol sa kagaganap pa lamang na Panagbenga Festival Grand Float Parade!!

Maraming salamat at Mabuhay!!