Tuesday, December 18, 2018

IBA'T IBANG GIMIK SA PASKO BAGUIO AT MAKATI


Setyembre palang ay nagsisimula na ang pag kacountdown ng mga pinoy hanggang sa araw ng pasko at sa buwan ng disyembre,  unang araw pa lang nito ay sinasalubong na ang buwan sa pamamagitan ng pag kakabit ng ibat ibang mga pailaw at parol sa loob ng bahay at hindi nawawala diyan ang Christmas Tree. 
Sa lungsod ng baguio partikular na sa session road natunghayan ng mga tao ang parada ng makukulay na mga parol na pinamunuan ng isang unibersidad na Saint Louis University noong ika 1 ng Disyembre.  Maraming mga tao at turista ang nanood.  Heto ang video nito




Sa session road naman sa araw ring ito ay ipinakita s mga tao ang disenyong pang disyembre ng session road na pinamumunuan ng porta vaga mall.  At sa harap  nito ay may maliit na pagtatanghal ng Aloha Philippines na naging finalist sa Pilipinad Got Talent 2018. 



Hindi rin naman magpapatalo ang lungspd ng makati sa kanilang kakaibang light show sa Triangle Garden Tuwing  gabi na gumagamit ng pausok at pailaw upang makita nt 3D 3ffect. 



Maraming mga turista ng kumukuha ng larawan at video ng lugar na talaga namang damang dama ang pasko. 
Mula pa rin sa Makati mayroon ring christmas show sa na hatid ng Ayala mall na napakaganda talaga.  Kakaiba at nakakamangha ang pagkakabuo ng video. Heto ang video



Ano man ang paraan ng bawat lungsod sa pagdiriwang ng pasko ang mahalaga ay sama sama ang buong pamilya sa araw na ito di bale nang walang magarbong handaan basta masaya ang pamilya ang pasko ay maligaya. 

Maligayang pasko!! 

No comments:

Post a Comment