Tuesday, December 25, 2018

SINNER OR SAINT CAFE, LA TRINIDAD BENGUET



Sa mga naghahanap ng kainang romantic ang dating,  heto na ang sinner or saint cafe. Pangalan pa lang ay agaw pansin na.   Ito lang naman ang kainang pwedeng pwede sa mga naghahanap ng kakaibang dating spot.  




 Bakit romantic?  Dahil napapalibutan ito ng makukulay na pailaw at kakaibang tawag sa mga pagkain.  Best seller ang kanilang mga panghinagas na matcha cake.  Bawat cake na oorderin ay naglalagay sila ng kasabihang agaw pansin talaga gamit ang chocolate syrup.  Pwedeng pwede ito sa mga magkakasintahan,  mag-asawa at pamilya.   Swak na swak ito sa budget mapa estudyante man o may trabaho. 


Ito ay matagpuan sa kilometer 3 la trinidad benguet sa mismong bungad ng la trinidad.   Bukas sila Lunes hanggang Linggo mula 9:00am hanggang 10:00am. 


Para mas maunawaan magsubscribe at panoorin link na ito para sa karagdagang detalye ng lugar.    




VENICE GRAND CANAL SA TAGUIG PHILIPPINES


Venice Grand Canal sa Taguig





Ito ay ang mini replicang popular na Grand Canal na matatagpuan sa Venice Italy.  Ang Venice Grand Canal sa Taguig sa bansang Pilipinas ay kilala sa tawag na Venice Piazza.  Isa itong mall na matatagpuan sa Mckinley Hill Garden Villas sa Taguig.









Maraming turista ang nagpupunta dito upang maramdaman ng kahit sa saglit ang venice grand canal na Grand ara ka na ring nasa Italy.

May mga rumurondang banka na kahawig mismo ng mga banka sa Italy. 
Maganda at kaaya aya ang lugar lalo na sa pagsapit ng gabi. 
Hindi sayang ang oras ang pera sa pagpunta dito dahil sulit na sulit ang bawat sentimong magagastos dito. 


Heto ang video ng lugar!


Maraming salamat!! 

Thursday, December 20, 2018

PAMASKO NG MALL OF ASIA (MOA)


Tuwing buwan ng pasko hinding hindi magpapahuli ang mga mall sa paglalagay ng dekorasyon.

Mula luzon hanggang mindanao basta't may mall ay mayroon silang pamaskong dekorasyon. 

Hindi magpapahuli dito ang pangalawang malaking mall sa bansa ang SM MAll of Asia or mas kilala sa akronym na MOA. 
Isang napakalaking snow globe ang nasa loob ng mall na pwedeng kumuha ng larawan ang lahat. Heto ang video



Sa lahat ng sulok ng mall may ibat ibang klase ng dekorasyong pang pasko na talaga namang mabubusog ang mga mata ng nakapapanood nito.

Maligayang Pasko!!

SANTAS GARDEN (BAGUIO CHRISTMAS VILLAGE)


Oktobre pa lang ay pinaghahandaan na ng Baguio Country Club ang popular na pasyalin tubing pasko ang Baguio Christmas Village o mas kilala ngayong taon ma Santas Garden. 


Punong punk ant lugar ng makukulay na mga bulaklak st mga pailaw.  Ang mas nagpapaganda pa sa lugar ang inaabangang snow fall kada limang minuto.  Marami ang nag eenjoy sa snowfall mapa bata o matanda. 


Mayroon ding mini concert na itinatanghal oras oras upang mas ma alow ang mga bisita. 
120 pesos ang bawat taong papasok sa lugar. At may discount naman sa mga bata at matatanda. 


Bukas ito bente kwatro oras.  Ito ay matatagpuan mismo sa bungad ng Baguio Country  club. 

Heto ang video upang mas maunawaan. 


Maligayang Pasko!! 

Tuesday, December 18, 2018

IBA'T IBANG GIMIK SA PASKO BAGUIO AT MAKATI


Setyembre palang ay nagsisimula na ang pag kacountdown ng mga pinoy hanggang sa araw ng pasko at sa buwan ng disyembre,  unang araw pa lang nito ay sinasalubong na ang buwan sa pamamagitan ng pag kakabit ng ibat ibang mga pailaw at parol sa loob ng bahay at hindi nawawala diyan ang Christmas Tree. 
Sa lungsod ng baguio partikular na sa session road natunghayan ng mga tao ang parada ng makukulay na mga parol na pinamunuan ng isang unibersidad na Saint Louis University noong ika 1 ng Disyembre.  Maraming mga tao at turista ang nanood.  Heto ang video nito




Sa session road naman sa araw ring ito ay ipinakita s mga tao ang disenyong pang disyembre ng session road na pinamumunuan ng porta vaga mall.  At sa harap  nito ay may maliit na pagtatanghal ng Aloha Philippines na naging finalist sa Pilipinad Got Talent 2018. 



Hindi rin naman magpapatalo ang lungspd ng makati sa kanilang kakaibang light show sa Triangle Garden Tuwing  gabi na gumagamit ng pausok at pailaw upang makita nt 3D 3ffect. 



Maraming mga turista ng kumukuha ng larawan at video ng lugar na talaga namang damang dama ang pasko. 
Mula pa rin sa Makati mayroon ring christmas show sa na hatid ng Ayala mall na napakaganda talaga.  Kakaiba at nakakamangha ang pagkakabuo ng video. Heto ang video



Ano man ang paraan ng bawat lungsod sa pagdiriwang ng pasko ang mahalaga ay sama sama ang buong pamilya sa araw na ito di bale nang walang magarbong handaan basta masaya ang pamilya ang pasko ay maligaya. 

Maligayang pasko!! 

Burnham Park Christmas tree 2018


BURNHAM CHRISTMAS TREE

Tuwing buwan ng Disyembre,  pinaghahandaan ng bawat lungsod ang kapanganalan ni Hesu Kristo na kung saan isa sa mga simbolo nito ay ang Christmas tree. 

Tulad na lamang sa lungsod ng Baguio.  Ang christmas tree ay hindi nawawala sa bawat pasyalan at nangunguna na dito ang christmas tree sa burnham park at
Taon taon ay nag iiba ang disenyo nito.  

Noong 2017 ang christmas  tree sa burnham park ay may temang white christmas na napagaganda talaga.  Ito ay gawa sa mahahabang uri ng damo na pininturahan ng kulay puti.  At  ngayong taong 2018..  Ang christmas  tree sa burnham park ay nakaka humaling dahil sa disenyo nitong tila may tatlong palapag ang itsura at punong puno ng mga pailaw na parang ikaw ay nasa bahay ng 7 dwarf ni snow white.








Sa mga nais mamasyal sa baguio ngayong bakasyon.  Isama sa inyong bucket list ang burnham park.  Para mas mabigyan ng impormasyon,  panoorin ang link na ito sa youtube



Maraming  salamat

Maligayang Pasko!!